Saturday, October 30, 2010

Si Nakaraan

sabado ngayon. sabbath para sa aming mga seventh-day adventist.

kailangan mag-worship at magpahinga hanggang sunset. pumunta sina mama at kapatid ko sa tita ko sa rizal. wala akong magawa kundi matulog para lumipas ang oras.

isang pagtitipon daw na bongga. sa bahay ng isa ko pang tita. madaming tao. andun daw yung crush ko. at katabi niya si "NAKARAAN" ko. close pala sila. patingin-tingin sila pareho. tila may pinag-uusapan. pinatatagay nila ako. ayoko. sabado ngayon. hindi ako umiinom sa araw ng pangngilin.

ewan ko ba pero ang sumunod na eksena eh nakahiga na ako sa kama sa bahay namin mismo. kung saan ako natulog kanina. bigla ba namang sumulpot sa gilid ng kama si nakaraan. humiga sa tabi ko.
"Yabang ah. Bat di ka namamansin??? me iba na??" ang tanong nya.
"Kailangan ba may iba para makalimutan ka. Pero oo may iba na... at hindi lang SILA iisa!" ang natatawa kong sagot sa kanya.
"Sus ang landi mo talaga. Kailan ka ba nakuntento sa isa. Syempre hindi lang isa ang katumbas ko. Kahit magsama-sama sila wala silang binatbat sakin!" ang pagyayabang niya.
"Noon yon PARE hindi na ngayon." may diin ang salitang pare para maalala niyang magkumpare na lang ulit kami gaya ng dating-dati pa.
hindi siya nakapagsalita. bigla niya akong sinampahan. pinatungan niya ako at masiil na hinalikan. sa labi. anak nang tutsa naman oh. ang sarap. parang Ovaltine. masarap pa rin. pero hindi na. nakakapagod. mas gusto kong maging single. mas gusto kong maging manhid sa kanya. PAKYU siya.
"TANGNAMO! baka makita nila tayo. puro ka kagaguhan!" ang mahinang wika ko.
"so ano? aalis na lang ako?" ang wika niya.
ewan ko ba pero this time wala na sa loob ko ang pigilan pa siya. hindi na ako sabik sa mga maari pang mangyari saming dalawa. hindi man lang ako kinikilig sa mga sinasabi niya. PAKYU kasi siya.

bigla akong nagising. naalala kong noon, twing Sabado kung magkita kami ng palihim para hindi kami mapansin ni Mare. napatawa ako. at ang masama, tulo-laway pa.

10 comments:

p0kw4ng said...

ako ganyan din..ang nakaraan eh nakaraan na! kahit na maghubad pa sya sa harap ko kung naka getovah na ako eh bye na talaga! hihihi ang arte lang!!!

Prince Fau said...

@POKWANG - Ay pwde rin ata. pag naghubad. e di tikman ulet. wlang feelings. hehehe!

Mister Secrecy said...

kahit nakaraan na... masarap pa din yan... haha... trust me...

Prince Fau said...

@MISTER SECRECY - TAMA! Masarap pa rin xa malamang dahil alam nya pa kung san-san ako dapat sundutin. ahahaha!

marhk said...

di ba pag ex ok naman basta sex lng wlang personalan lolzz

Prince Fau said...

@MARHK - TAMA!

Fickle Cattle said...

Hahaha. Ang mga ex talaga, pampagulo.

http://ficklecattle.blogspot.com/

Prince Fau said...

@FICKLE - sinabi mo pa. ahahaha!

Rabbit said...

naku.. ang mga EX. ang sarap lagyan ng S sa umpisa. ahahaha

S for shamods. haha

Prince Fau said...

@RABBIT - TAMA!!!