Saturday, October 30, 2010

Si Nakaraan

sabado ngayon. sabbath para sa aming mga seventh-day adventist.

kailangan mag-worship at magpahinga hanggang sunset. pumunta sina mama at kapatid ko sa tita ko sa rizal. wala akong magawa kundi matulog para lumipas ang oras.

isang pagtitipon daw na bongga. sa bahay ng isa ko pang tita. madaming tao. andun daw yung crush ko. at katabi niya si "NAKARAAN" ko. close pala sila. patingin-tingin sila pareho. tila may pinag-uusapan. pinatatagay nila ako. ayoko. sabado ngayon. hindi ako umiinom sa araw ng pangngilin.

ewan ko ba pero ang sumunod na eksena eh nakahiga na ako sa kama sa bahay namin mismo. kung saan ako natulog kanina. bigla ba namang sumulpot sa gilid ng kama si nakaraan. humiga sa tabi ko.
"Yabang ah. Bat di ka namamansin??? me iba na??" ang tanong nya.
"Kailangan ba may iba para makalimutan ka. Pero oo may iba na... at hindi lang SILA iisa!" ang natatawa kong sagot sa kanya.
"Sus ang landi mo talaga. Kailan ka ba nakuntento sa isa. Syempre hindi lang isa ang katumbas ko. Kahit magsama-sama sila wala silang binatbat sakin!" ang pagyayabang niya.
"Noon yon PARE hindi na ngayon." may diin ang salitang pare para maalala niyang magkumpare na lang ulit kami gaya ng dating-dati pa.
hindi siya nakapagsalita. bigla niya akong sinampahan. pinatungan niya ako at masiil na hinalikan. sa labi. anak nang tutsa naman oh. ang sarap. parang Ovaltine. masarap pa rin. pero hindi na. nakakapagod. mas gusto kong maging single. mas gusto kong maging manhid sa kanya. PAKYU siya.
"TANGNAMO! baka makita nila tayo. puro ka kagaguhan!" ang mahinang wika ko.
"so ano? aalis na lang ako?" ang wika niya.
ewan ko ba pero this time wala na sa loob ko ang pigilan pa siya. hindi na ako sabik sa mga maari pang mangyari saming dalawa. hindi man lang ako kinikilig sa mga sinasabi niya. PAKYU kasi siya.

bigla akong nagising. naalala kong noon, twing Sabado kung magkita kami ng palihim para hindi kami mapansin ni Mare. napatawa ako. at ang masama, tulo-laway pa.

Monday, October 25, 2010

Ahasan / Agawan

bet na bet ni Rico si Eds matagal na. sa hindi nakakakilala sa kanila si Eds ang straight guy na kabarkada namin at si Rico naman ang pamhintang barag-barag na kaibigan din namin. gwapo si Eds, balbon, maputi, makinis, astigin ang aura. basagulero, lalo na pag nakainom. naghahanap ng away, matingnan lang ng kaunti ng isang me angas na otoko eh nagwawala na at hinahabol na kung sino man yung tumingin na yun sa kanya.

dahil straight si Eds, walang kapag-a-pag-asa si Rico sa kanya. dahil na rin sa minsang binitiwan ni Eds na salitang: "pera lang habol ko sa bakla - at alam kong walang pera yan..."

pero wag ka. naging sobrang close sila ni Eds. bonggang closeness. nangangabog ang lola mo. lagi silang nagtetexan, lageng nagtatawagan, most of time eh si Eds ang tumatawag kay Rico. sabihin na nating laging unli call si Rico - kailangan ba bading ang tawag-tawagan nya pag wala siyang magawa? ang malanding si Rico ayun at super-kilig at super yabang sa aming mga bakla. bet daw siya ni Eds. halatang-halata daw. TSE! (inggitera ba ako o ano????)

minsang nanonood kami ng DVD kasabay ng paglaklak ng litro-litrong Emperador Light at Tang Strawberry Burst eh nagkaroon ng bonggang eksena. saktong ang pinapanood pa naman namin eh ang pelikulang "PANO NA KAYA" nina Kim Chiu, Gerald Anderson at ang eksenadorang si Melissa Ricks.

eksena sa pelikula: naging GF ni Gerald (Bogs) si Melissa (Anna) dahil sa tulong ng bestfriend ni Bogs na si Kim (May). though sa una pa lang eh mahal na mahal na ni May si Bogs eh nagpaka-martir sya para sa ikaliligaya ni Bogs. nang magbreak sina Anna at Bogs eh naging sila ni May (panakip-butas) naging masaya sila. hanggang sa muling bumalik si Anna. bet bumalik sa buhay ni Bogs. pano naman si May????

eksena sa iskwater: si May si Rico. si Bogs si Eds at akez ang eksenadorang si Anna (keri mo?) nung gabing yun eh binulungan ako ni Eds na sa lahat ng mga kaibigan niya. si Rico ang pinakamahalaga. at special friend pa ang tawag niya kay Rico (haba ng hair ng mapangang si Rico) me eksena pakong nagsabi ke Eds ng: "sana ako na lang bogs. bakit hindi na lang ako???" ang pa-sweet na wika ko. tawa lang ng tawa ang gwapo. dinededma ang beauty ko.

pero may maitim akong plano. by hook or by crook. mababaligtad ang mundo. isang beses nag-inarte si Rico kay Eds dahil hindi daw siya tinext nito. panahon na para lumabas ang ahas.

tinext ko si Eds. text text forever, magdamagan, maghapon. kakakilig din minsan. pero wit akes na-iinlab ha! were just friends. hindi ako kagaya ni Rico na palaging nag-a-aassume.

selosa si Rico. winarla si Eds sa text. napikon ata si Rico hindi na nagrerereply. ako naman ang katext niya. minsan, umiinom sina Eds sa tapat ng bahay nila na katabi ng bahay nina Bebang na tinutuluyan ni Rico. jumoin ako sa nomu. tatlo lang kami ni Ris at Eds. nasa labas kami ng bahay. may umeksenang babae. nilalandi si Eds. dedma ako since ang partner ko dapat ay si Ris. nang matapos ang ilang boteng MUCHO eh nagpaalam nako kina Eds at sa babae. pero ang sabi ko... "wala bang kiss man lang???" (landi ko no???) ayun at ngumiti si Eds. alam ko na kanina pa nakasilip sa bintana si Rico. binabantayan ang labidabs niyang si Eds. nilapit ni Eds ang fez niya sakin at lumapit din ako. hinawakan ko siya sa panga... ikikiss ko na sana siya sa pisngi nang maisip kong keri naman ata sa labi. SMOOOOOOOOOCH!

binonggahan ko ng kiss sa labi si Eds. ambango ng hininga. lalaking-lalaki. nagkatawanan pa kami. at tumingin ako sa bintana nina Bebang. ayun si Rico. nakatingin at biglang pumasok sa loob. dedma.

mula noon. mas naging close na kami ni Eds. wa na si Ricong nagmamaldita. bitter-bitteran pa ang bakla. ayaw na uminom pag kasama si Eds. yung tawagan kasi nila dati ni Eds na BHEST eh tawagan na namin ni Eds ngayon. wa malisya ha. were friends.

Friday, October 22, 2010

Ano Ba Pre?

Birthday ni Rel (10.21.2010)

kakapasok ko pa lang sa work, nagtetext na sina Rel at Eds. simulan na daw ang inuman habang maaga pa. eh mga abnoy pala eh kakapasok ko pa lang alam naman nilang mga 11pm pa ako makakasali sa kanila. o baka naman gm yun at dumaan lang sakin.

hindi ako masyadong excited. wala akong panregalo o pang-ambag man lang. simot ang sahod ko nung nakaraan. 9:45pm eh nagtext na naman sila. nasaan na daw ba ako at nagsisimula na sila. andun na rin daw si Harry ang baklang pa-bonang bongang-bongga pero hindi nagpapahalata dahil bet niya si Ran. saktong 10pm lumabas na ako ng work. ambagal pa ng jeep na nasakyan ko. umuwi muna ako sa bahay, nagpalit ng damit at kumain.

pumunta na ako kina Rel. andun sila. sa gitna ng makipot na eskinitang motor lang at bisikleta ang kakasyang sasakyan. nakaharang. me lamesa, mga upuan at mga bangenge nang manginginom na ang ilan eh nakikita ko pero hindi ko pa nakaka-close.

hinatak agad ako ni Rel at pinakain ng super-delicious at super-daming spaghetti. super kwento si Harry. dumating si Rico. parang wala lang sa kanya ang mga nangyari kagabi. baliw. kwentuhan to the max ang tatlong dyosa. tawa kami ng tawa ni Harry ng habang nag-uusap kami eh pinunasan ni Rel yung sauce sa baba ko. nagkatinginan kami.
HARRY: ayyy, bakit ako kanina tinuro mo lang? bakit siya talagang pinunasan??? wala na! hmmmp!
dedma lang si Rel. pangiti-ngiti. dumating si Ran. kinain ang hindi ko maubos na spaghetti. kinain din ang hindi maubos na spaghetti ni Rico. parang wala lang tipikal na inuman. kaso me mga ibang dumating. nagharutan lang kami at naglandian nina Eds, Rel at Ris. nakahiwalay sina Harry at Rico. kinakarir yung mga katabi nilang otoko.

nang umihi ako. napansin kong medyo nakayakap si Harry sa pinsan ni Ran. potahhh! nang bumalik ako nakita ko, hawak na nya ang nota. nalika ako day! pinsan pa talaga ng bet nya. at ang otoko dedma parang wala lang na kinakapa-kapa na ang notathione nya. aura si bakla.

me isa pang eksena. ayoko mang bigyang malisya - medyo sweet kasi. parang hindi friends.


si Ran na bet ni Harry at ang kuya ni Eds na epek na epek. so so sweet! nakatingin pa mandin yung asawa ng kuya ni Eds. dedma. super akbayan. super landian. me pa-joke joke pang kunwari mag hahalikan. ang saya nilang tingnan. hindi nila iniisip kung ano iniisip ng mga taong nasa paligid nila. pansin ko na medyo nagsasalita si Ran kapag nahuhuli nyang tinitingnan namin sila.
RAN: miss ko lang talaga tong kaibigan ko eh.
mga ganung echos. o baka naman hindi. madumi lang talaga ang isip ni Harry (sya nakapansin niyan) BONGGA. ang sweet sweet nilang magkaibigan. sabay na kumakanta ng tila theme songs nila (kabisado nila pareho) at eto. nagkatinginan talaga kami ni Harry sa eksenang tumambad samin.

KUYA NI EDS: oh pare yang kamay mo naman kung san san napupunta, baka kung san mapunta yan hindi mo mapigilan yan! (wika ng kuya ni Eds saka sila nagtitigan ng makahulugan ni Ran. at nagtawanan. dedma si Ran.)
naunang na-borlog ang kuya ni Eds. Kausap ni Ran mama at asawa ng kuya ni Eds. nang malapit sa kin si Ran biniro ko siya.
FAU: kaw ha. ang bongga ng sweetness niyo ng kuya ni Eds. (sabay ngiting nakakaloko)
tiningnan lang ako ni Ran. yumuko ng bahagya at ngumiti nang pagkatamis-tamis.

Thursday, October 21, 2010

Bongkang at Oplak

Papanik na sana ako para awatin sa pag-aaway ang mga kaibigan kong sina Rico (Rica sa gabi) at Bebang nang umalingawngaw ang boses ni Bebang...
"Tangnamo! Kinakantot mo nga ako eh!"
Hindi ko mapigilang matawa. Pano ba naman sa sobrang kalasingan, lumalabas na ang mga lihim na iniingat-ingatan. Noong una hindi ako naniniwala na talagang me "something" sina Rico at Bebang, pano ba naman, kababata ko si Rico at bonggang-bongga na ang kabaklaan niya noong nakilala ko pa lang siya.

Naalala ko pa noong hayskul kami. Nakikita ko siyang nakatambay sa gilid ng stage ng school, kasama ang mga limang bakla pang kaibigan niya. Ang Rico - kaputi ng mukha, mamula-mula pa ang pisngi sa blush-on, parang nagdurugo ang labi sa lipstick at eto pa. Me pink na hairclip sa maikling buhok niya. Nang mag-college na lang kami medyo itinago ni Rico ang pagkabakla niya. Pero wag ka. Gabi-gabi pa rin ang rampa ng gaga para maka-booking lang o makapagpa-boross sa lalaki. Pero erbogera si Baklang Rico. Kapag nalilibugan. Mapa-babae, lalake, bakla o tomboy papatusin nyan makaraos lang. Pamhintang barag-barag! (NOTE: hindi ako galit sa kanya ha!) Lahat ng mga kabarkada naming bading. Nakatikiman niya. At eto pa! KOLBOY si Rico. Me mukha naman kasi siya. Kung ilang beses na niya ako isinama sa inuman na treat ng kung sino-sinong bakla. syempre PA-MHIN ang drama naming dalawa. Hindi naman din kasi kami halata kung hindi mo kami kilala.

Eto na. Back sa istorya...

Pumanik na ako. Andun ang mga kaibigan naming sina Rel at Ran (straight guys) na umaawat pa rin sa kanila, kinakausap pa sila na tumigil na. Ayaw pakabog ng dalawa. Si Bebang na talakera din, ayaw paawat ng bunganga kadadada. Tahimik lang naman si Rico pero halatang banas na banas., paminsan-minsang nagbibitiw ng maanghang na salita. Pero Mahina.

Umeksena na ako. Dumada ako ng pagkahaba-haba. Binigyan ng leksyon ang dalawa. Nagmistulang kagawad sa mga patutsada matigil lang ang away nila. Nakalma naman pero bago bumaba si Rico. Isang bonggang sapak sa fez ni Bebang. Naawa ako kay Bebang... babae pa rin yun at bongga pa ang katawan at kamao ni Rico. Iyak ang lola mo.

Bumaba kaming lahat. Akala ko naman babanatan na ni Rel si Rico. Wa naman. Ded-Skin ang drama ng umbaw. Nabokot ata sa borta ni Rico. Umeksena na naman ako. In fairness. Umalis si Rico, bitbit ang lahat ng gamit niya na ibinato ni Bebang sa hagdanan. Live-in ang dalawa matagal na.

Tuloy ang inuman namin ng mga tomador kong ka-tropa na sina Rel, Ran, Ris at Eds (hindi yan mga tunay na pangalan loka. pero puro straight guys sila). Maya-maya me batuhan, balibagan at untugan ek-ek na naririnig na kami sa taas ulit ng bahay ni Bebang. Pagpanik namin bumalik si Rico at gumagawa na naman ng eksena. Gulantang ako nang sapakin na naman sa mukha si Bebang ni Rico, sabay-baba. Sinundan siya nina Rel, Ran, Ris at Eds. Sumunod ako sa baba.

Andun sila sa living room. Nakatingin lahat sa nakangising si Rico, akala mo eh napakaganda ng nagawa at kaakit-akit sa mata ng madla.

Dumada na naman ang Reyna Engkantada (ako yun) ng bonggang-bongga.
"Umuwi ka na sa inyo. Bumalik ka pa? ano ba talaga ang gusto mo mangyari? babae yun at lalaki ka pa rin sa ayaw at sa gusto mong maniwala. Hindi ka na nakakatuwa, kala mo sikat ka? kala mo masaya kami sa ginawa mo at parang nagyayabang ka pa?" ang eksena ko.
"May tatapusin lang ako!" ang wika niyang nakangisi pa sakin na tila mali ako at tama siya.
"Umuwi ka na? Ano tatapusin mo? relasyon niyo? tapos na inday! ano pa ang inaasahan mo?" ang wika ko.
Dedma si Rico. Nakangising-aso pa din ang loka.
"Umuwi ka na o ako na ang kalaban mo?" wika ng nagpapakalalaking ako.
"Wala kayong pakelam samin! ayoko umuwi!" ang wika niyang galit pa.
Aba. Napahiya nako sa tropa. Hindi ako puro salita.

PAK! PAK! BAG! BAGAG! BOG! - pinagsasampal, pinagsusuntok, pinagtatadyakan ko si Rico sa harap ng mga tomadors. Natigil lang nang yakapin ako nina Rel at Ran na nabigla sa nangyari. Inechos ko pa silang iaabot ko kunwari ang ashtray sa lamesa at ibabato kunwa ke Rico, eh alam ko namng di nila hahayaang makuha ko yun no.

Dada na naman ang Reyna Engkantada (ako ulit!) Me hamon-hamon nako ngayon. Ang bakla natulala ata. Hindi man lang nakatingin sakin at makapagsalita. Pinagalitan ko ng bongga. Umuwi si Rico. Saka naman bumaba si Bebang. Dumaldal. Pinatatahimik na ayaw pa. Buti na lang daw at binugbog ko.
"Ayan wala na si Rico, ikaw naman talaga ang crush ko Fau eh, nauna ko lang kasing nakilala si Rico, maganda kasi ang ugali mo... tsaka iba ka sa kanilang lahat!" ang litanya ni Bebang.
Chaps si Bebang. Ayoko sa kanya. Hanggang friendship lang ang mai-seserve ko sa kanya. Isa pa. doble ang edad namin. ayoko din sa ugali nyang me pagka-bungangera at plastik. Ah basta ayokooooo!
"TSE! Matulog ka na nga nang manahimik na tong bahay at makapagpatuloy kami sa inuman. Kung anu-ano pinagsasabe nitong ambisyosang to. WIT ko bet yang mga ganyang ispluk neng." ang wika ko. 
kasabay ng bonggang halakhakan ng mga Tomador.

Wednesday, October 20, 2010

Ang Talakera sa Iskwater

noong unang panahon. noong super bagets pa lang ako. tatahi-tahimik lang ako. pero yung mata ko naman ang suma-sight sa lahat ng mga pangyayari sa aking kapaligiran sa iskwater.

madameng eksena.

tipikal na iskwater na palaging may away, inuman sa tabi-tabi, rambol ng mga kabataan, mga nagkalat na mga batang naglalaro ng mataya-taya, tumbang-preso, langit-lupa, bugbugan, mga nanay na nakikipag-away sa kapwa nanay dahil nagkasakitan ang mga anak, mga barangay tanod at kagawad na umaawat sa gulo, mga harapang nagmamarijuana, mga nagpapataya ng ending at bookies, at kung anu-ano pang eksena.

kung first time mong mapupunta sa lugar namin noon, kakabahan ka ng bonggang-bongga, mapa-otoko ka man o merlat. kakatakot kasi yung mga nakatambay sa dilim. pero pag nasanay ka na. mga cute naman pala yung nasa dilim na yun at hindi dapat katakutan, wag ka lang mag-angas sa paglakad o pumorma ng pagka-gangster gangster dahil pagtitripan ka ng mga gangster doon, na mga tropa kong buo hanggang sa ngayon.

actually. kasapi ako sa gangster drama ek-ek na yan. dahil nga ang pamilya namin eh kilala sa lugar na yun mula sa mga tito, tita, tatay, nanay (well kilala ang mujang ko sa pagiging mabait, tahimik at relihiyosa pero wag na wag mong bubungangaan at tatalsik ka ng bongga!) may naalala akong eksena ni mama noon. itets:

nakipag-away ang nakababata kong brudrabells sa isang kaibigan nya na ka-edad nya rin. eh yung mujang ng batang bokbokin na yun eh kilala bilang maingay, at talakera talaga sa lugar namin. me eksenang dumugo ang ilong ng junakis niya kaya mega-lusob ang mujang sa balur namin. in fairness sa tapat ng bahay namin.

TALAKERA: HOY! PUTANGNA MONG BATA KA BAKIT MO PINADUGO ANG ILONG NG ANAK KO??? (sigaw ng talakera sa kapatid ko na nasa loob ng bahay.)

walang pumapansin samin. e saktong nagsasampay sa bintana ng 3rd floor si mama. dedma lang siya. samantalang ayaw tumigil kasisigaw at kamumura ng talakerang nanay. kung anek-anek ang pinagsasabi.

TALAKERA: KALA NIYO KUNG SINO KAYO DITO SA LOOBAN! ANG YAYABANG NIYO!

hindi nakapagpigil si mama kaya sumilip siya sa bintana.

MAMA: sino nagyabang sa inyo? 
TALAKERA: yung anak mong pagkakulit-kulit eh pinadugo ang ilong ng anak ko! ano balak mong gawin dito? 
MAMA: ano ba dapat? doktor bako? 
TALAKERA: eh so ano nga? bakit niya pinadugo ang ilong ng anak ko! palaaway talaga yang anak mo eh. 
MAMA: kapag pinakawalan mo o ninyo ang mga anak niyo sa labas ng bahay niyo. siguraduhin niyong palaban. hindi yang nagngangangalngal kayo kapag nasaktan ng kaunti ang anak niyo. 
TALAKERA: ilabas mo yang anak mo at paduduguin ko ilong nyan! 
MAMA: bakit ikaw ba ang pinadugo ang ilong? e di ipabugbog mo sa anak mo ang anak ko! kung kaya niya ang anak ko! 
TALAKERA: eh kung hindi niya kaya? 
MAMA: wala nakong magagawa kung sadyang duwag at mahina yang anak mo. wag siya makipaglaro sa anak ko para kapag nasaktan siya eh hindi ka nagbubunganga dahil nagsumbong na naman sayo! kelan bako lumusob sa bahay ng may bahay dahil nagsumbong ang anak ko? ha! kelan? hindi pa no? kasi ang away ng bata eh away lang ng bata! hindi dapat nakikisali ang mga gurang!
mahabang usapan pa yun. wala rin namang nangyari, napahiya lang ang talakerang nanay ng kalaro ng kapatid ko. may point naman kasi si mama. eh mas payat pa nga yung kapatid ko sa anak niya eh. tsaka sa iskwater dapat palaban. dapat maangas. lalo na kung kaya mo!

o siya mahaba na masyado. baka tamarin nang magbasa ang mga kunwa-kunwariang readers ko. hanggang sa susunod na lang. dame akong eksena pramis!

Tuesday, October 19, 2010

Pers Ispluk

haller!

wa lang. bet ko lang gumawa ng blog kung saan ikukuwento ko ang lahat ng aking mga bonggang karanasan na hinding-hindi ko malilimutan.

matagal nakong blogger. hanggang sa ngayon nga eh me blog pa akong naka-kalat sa web. doon ko naman nilalagay ang mga bagay na wa lang. keme-keme. mga nomu at kung anek-anek pang eksenang keri kong ipahayag sa madlang pipol including my family.

mahirap na. kaya kailangan me pa-anonymous anonymous blogger na eksena dava? baka mamaya layuan na akes ng mga shomag-anak kes na warla sa beki.

wag kang mainip. iisa-isahin ko nang buklatin ang libro ng buhay ko. mula sa pagiging umbaw, pa-umbaw, pamhintang barag hanggang sa kung anek-anek pang stage sa buhay kes mula sa iskwalang kinalakhan kes hanggang sa kung saan-saan pang lugar!

anes pang hinihintay mo??? GORA NA! ahahaha!