Friday, October 22, 2010

Ano Ba Pre?

Birthday ni Rel (10.21.2010)

kakapasok ko pa lang sa work, nagtetext na sina Rel at Eds. simulan na daw ang inuman habang maaga pa. eh mga abnoy pala eh kakapasok ko pa lang alam naman nilang mga 11pm pa ako makakasali sa kanila. o baka naman gm yun at dumaan lang sakin.

hindi ako masyadong excited. wala akong panregalo o pang-ambag man lang. simot ang sahod ko nung nakaraan. 9:45pm eh nagtext na naman sila. nasaan na daw ba ako at nagsisimula na sila. andun na rin daw si Harry ang baklang pa-bonang bongang-bongga pero hindi nagpapahalata dahil bet niya si Ran. saktong 10pm lumabas na ako ng work. ambagal pa ng jeep na nasakyan ko. umuwi muna ako sa bahay, nagpalit ng damit at kumain.

pumunta na ako kina Rel. andun sila. sa gitna ng makipot na eskinitang motor lang at bisikleta ang kakasyang sasakyan. nakaharang. me lamesa, mga upuan at mga bangenge nang manginginom na ang ilan eh nakikita ko pero hindi ko pa nakaka-close.

hinatak agad ako ni Rel at pinakain ng super-delicious at super-daming spaghetti. super kwento si Harry. dumating si Rico. parang wala lang sa kanya ang mga nangyari kagabi. baliw. kwentuhan to the max ang tatlong dyosa. tawa kami ng tawa ni Harry ng habang nag-uusap kami eh pinunasan ni Rel yung sauce sa baba ko. nagkatinginan kami.
HARRY: ayyy, bakit ako kanina tinuro mo lang? bakit siya talagang pinunasan??? wala na! hmmmp!
dedma lang si Rel. pangiti-ngiti. dumating si Ran. kinain ang hindi ko maubos na spaghetti. kinain din ang hindi maubos na spaghetti ni Rico. parang wala lang tipikal na inuman. kaso me mga ibang dumating. nagharutan lang kami at naglandian nina Eds, Rel at Ris. nakahiwalay sina Harry at Rico. kinakarir yung mga katabi nilang otoko.

nang umihi ako. napansin kong medyo nakayakap si Harry sa pinsan ni Ran. potahhh! nang bumalik ako nakita ko, hawak na nya ang nota. nalika ako day! pinsan pa talaga ng bet nya. at ang otoko dedma parang wala lang na kinakapa-kapa na ang notathione nya. aura si bakla.

me isa pang eksena. ayoko mang bigyang malisya - medyo sweet kasi. parang hindi friends.


si Ran na bet ni Harry at ang kuya ni Eds na epek na epek. so so sweet! nakatingin pa mandin yung asawa ng kuya ni Eds. dedma. super akbayan. super landian. me pa-joke joke pang kunwari mag hahalikan. ang saya nilang tingnan. hindi nila iniisip kung ano iniisip ng mga taong nasa paligid nila. pansin ko na medyo nagsasalita si Ran kapag nahuhuli nyang tinitingnan namin sila.
RAN: miss ko lang talaga tong kaibigan ko eh.
mga ganung echos. o baka naman hindi. madumi lang talaga ang isip ni Harry (sya nakapansin niyan) BONGGA. ang sweet sweet nilang magkaibigan. sabay na kumakanta ng tila theme songs nila (kabisado nila pareho) at eto. nagkatinginan talaga kami ni Harry sa eksenang tumambad samin.

KUYA NI EDS: oh pare yang kamay mo naman kung san san napupunta, baka kung san mapunta yan hindi mo mapigilan yan! (wika ng kuya ni Eds saka sila nagtitigan ng makahulugan ni Ran. at nagtawanan. dedma si Ran.)
naunang na-borlog ang kuya ni Eds. Kausap ni Ran mama at asawa ng kuya ni Eds. nang malapit sa kin si Ran biniro ko siya.
FAU: kaw ha. ang bongga ng sweetness niyo ng kuya ni Eds. (sabay ngiting nakakaloko)
tiningnan lang ako ni Ran. yumuko ng bahagya at ngumiti nang pagkatamis-tamis.

10 comments:

p0kw4ng said...

nalilito ang utak ko sa mga names...ahahaha puro kasi 3 letters lang pwera kay Harry,hihihi

Mister Secrecy said...

encantada, sana may pics... para mas masaya... jeje... naiintriga ako dun sa pumapayag lang magpakapa.. jeje

Prince Fau said...

@p0kw4ng - wag ka malito. mga last three letters kasi ng name nila yan ahahaha! baka masearch nila tong blog ko. mahirap na. hehehe! though la namang masama sa mga sinusulat ko eh malay mo in the future me mga maisulat akong scandal scandal ek-ek.

@mister secrecy - wag ka mag-alala maglalagay din ako ng mga ganyan. uy cute yung nagpapakapa na yun. moreno nga lang. ahahaha! pero dedma talaga si kuya. kaka-erbog ang borta.

Mineas said...

tama, nalito din ako andaming pangalan ahehehe...

o ayan nadalaw na ako sa house mo... magkasing kulay lang pala tayo ng blog pre... ay sis pala.

Prince Fau said...

@MINEAS - hindi naman tayo magkakulay ah. mas makulay kea yung sayo. hehehe!

Soltero said...

you had me at "isang simpleng tao pero bongga ang pagkatao" bwahhaha..naaliw ako dun..i followed u and will include u in my blogroll!!

ching!

P I L Y O said...

natawa ako sa title ng blog mo hehehe

Prince Fau said...

@SOLTERO - nakkks naman. hehehe. ewan ko ba kung bakit naisip kong bongga akez. hahahaha! abnoy eh no. imba ek ek. tnx po.

@PILYO - bakit naman. hehehe. diba para kakaiba me encantada sa iskwater. na nagkatawang mortal hehehe.

Rabbit said...

tangena. ayos tong iskwater moments. napaisip tuloy ako sa mga tito ko ss inuman kung naghihipuan din sila. ahaha

Prince Fau said...

@RABBIT - ahahaha! ask mo kaya sila ...