Wednesday, October 20, 2010

Ang Talakera sa Iskwater

noong unang panahon. noong super bagets pa lang ako. tatahi-tahimik lang ako. pero yung mata ko naman ang suma-sight sa lahat ng mga pangyayari sa aking kapaligiran sa iskwater.

madameng eksena.

tipikal na iskwater na palaging may away, inuman sa tabi-tabi, rambol ng mga kabataan, mga nagkalat na mga batang naglalaro ng mataya-taya, tumbang-preso, langit-lupa, bugbugan, mga nanay na nakikipag-away sa kapwa nanay dahil nagkasakitan ang mga anak, mga barangay tanod at kagawad na umaawat sa gulo, mga harapang nagmamarijuana, mga nagpapataya ng ending at bookies, at kung anu-ano pang eksena.

kung first time mong mapupunta sa lugar namin noon, kakabahan ka ng bonggang-bongga, mapa-otoko ka man o merlat. kakatakot kasi yung mga nakatambay sa dilim. pero pag nasanay ka na. mga cute naman pala yung nasa dilim na yun at hindi dapat katakutan, wag ka lang mag-angas sa paglakad o pumorma ng pagka-gangster gangster dahil pagtitripan ka ng mga gangster doon, na mga tropa kong buo hanggang sa ngayon.

actually. kasapi ako sa gangster drama ek-ek na yan. dahil nga ang pamilya namin eh kilala sa lugar na yun mula sa mga tito, tita, tatay, nanay (well kilala ang mujang ko sa pagiging mabait, tahimik at relihiyosa pero wag na wag mong bubungangaan at tatalsik ka ng bongga!) may naalala akong eksena ni mama noon. itets:

nakipag-away ang nakababata kong brudrabells sa isang kaibigan nya na ka-edad nya rin. eh yung mujang ng batang bokbokin na yun eh kilala bilang maingay, at talakera talaga sa lugar namin. me eksenang dumugo ang ilong ng junakis niya kaya mega-lusob ang mujang sa balur namin. in fairness sa tapat ng bahay namin.

TALAKERA: HOY! PUTANGNA MONG BATA KA BAKIT MO PINADUGO ANG ILONG NG ANAK KO??? (sigaw ng talakera sa kapatid ko na nasa loob ng bahay.)

walang pumapansin samin. e saktong nagsasampay sa bintana ng 3rd floor si mama. dedma lang siya. samantalang ayaw tumigil kasisigaw at kamumura ng talakerang nanay. kung anek-anek ang pinagsasabi.

TALAKERA: KALA NIYO KUNG SINO KAYO DITO SA LOOBAN! ANG YAYABANG NIYO!

hindi nakapagpigil si mama kaya sumilip siya sa bintana.

MAMA: sino nagyabang sa inyo? 
TALAKERA: yung anak mong pagkakulit-kulit eh pinadugo ang ilong ng anak ko! ano balak mong gawin dito? 
MAMA: ano ba dapat? doktor bako? 
TALAKERA: eh so ano nga? bakit niya pinadugo ang ilong ng anak ko! palaaway talaga yang anak mo eh. 
MAMA: kapag pinakawalan mo o ninyo ang mga anak niyo sa labas ng bahay niyo. siguraduhin niyong palaban. hindi yang nagngangangalngal kayo kapag nasaktan ng kaunti ang anak niyo. 
TALAKERA: ilabas mo yang anak mo at paduduguin ko ilong nyan! 
MAMA: bakit ikaw ba ang pinadugo ang ilong? e di ipabugbog mo sa anak mo ang anak ko! kung kaya niya ang anak ko! 
TALAKERA: eh kung hindi niya kaya? 
MAMA: wala nakong magagawa kung sadyang duwag at mahina yang anak mo. wag siya makipaglaro sa anak ko para kapag nasaktan siya eh hindi ka nagbubunganga dahil nagsumbong na naman sayo! kelan bako lumusob sa bahay ng may bahay dahil nagsumbong ang anak ko? ha! kelan? hindi pa no? kasi ang away ng bata eh away lang ng bata! hindi dapat nakikisali ang mga gurang!
mahabang usapan pa yun. wala rin namang nangyari, napahiya lang ang talakerang nanay ng kalaro ng kapatid ko. may point naman kasi si mama. eh mas payat pa nga yung kapatid ko sa anak niya eh. tsaka sa iskwater dapat palaban. dapat maangas. lalo na kung kaya mo!

o siya mahaba na masyado. baka tamarin nang magbasa ang mga kunwa-kunwariang readers ko. hanggang sa susunod na lang. dame akong eksena pramis!

6 comments:

glentot said...

Haha hindi naman ako tinamad kasi fluid na fluid naman ang pagkakwento I like it... navivisualize ko yung talakera at yung anak nyang duguan. Protective nga sya sa anak nya, pero hindi na sya dapat sumali sa away, may tinatawag namang "mabuting usapan" bakit kailangang dumanak uli ang dugo (sa ilong)?

Prince Fau said...

ahehe.overprotective kamo. epal nga eh. ahahaha!

salamat naman. ikaw pa ang unang bisita ko. hehe! make yourself at home! :-)

Myrtea said...

pangalawa ako!

jusme, mukhang umbagera ka nga. naumbag mo na ba misis ng ex-lover mo? hehe. sabi mo nasa portfolio mo din ang naging 'kabet'? why and how did it end up? in short kwentuhan mo ako ng maikli!

salamat sa pagbisita. :)

Prince Fau said...

@MYRTEA: naumbag ko na ba ang misis ng ex-lover ko??? itinatanong pa ba yan iha? hahahaha! not once, not twice but thrice... ahahaha!

hintayin mo lang yang kwento ko na yan tungkol sa ex-bowa kez. kabogerang kwento nene! ahahaha!

salamat sa pagbisita.

Kane said...

Prince Fau,

Tuwang tuwa ako sa kuwento mo. Matagal na akong curious kung ano ang buhay sa iskwater. Lalo na ang buhay ng mga bading sa iskwater.

Naisip ko dapat pala talagang matapang at palaban ka.

Kane

Prince Fau said...

@KANE - naman naman. hindi usp diwag sa iskwater ...