Monday, October 25, 2010

Ahasan / Agawan

bet na bet ni Rico si Eds matagal na. sa hindi nakakakilala sa kanila si Eds ang straight guy na kabarkada namin at si Rico naman ang pamhintang barag-barag na kaibigan din namin. gwapo si Eds, balbon, maputi, makinis, astigin ang aura. basagulero, lalo na pag nakainom. naghahanap ng away, matingnan lang ng kaunti ng isang me angas na otoko eh nagwawala na at hinahabol na kung sino man yung tumingin na yun sa kanya.

dahil straight si Eds, walang kapag-a-pag-asa si Rico sa kanya. dahil na rin sa minsang binitiwan ni Eds na salitang: "pera lang habol ko sa bakla - at alam kong walang pera yan..."

pero wag ka. naging sobrang close sila ni Eds. bonggang closeness. nangangabog ang lola mo. lagi silang nagtetexan, lageng nagtatawagan, most of time eh si Eds ang tumatawag kay Rico. sabihin na nating laging unli call si Rico - kailangan ba bading ang tawag-tawagan nya pag wala siyang magawa? ang malanding si Rico ayun at super-kilig at super yabang sa aming mga bakla. bet daw siya ni Eds. halatang-halata daw. TSE! (inggitera ba ako o ano????)

minsang nanonood kami ng DVD kasabay ng paglaklak ng litro-litrong Emperador Light at Tang Strawberry Burst eh nagkaroon ng bonggang eksena. saktong ang pinapanood pa naman namin eh ang pelikulang "PANO NA KAYA" nina Kim Chiu, Gerald Anderson at ang eksenadorang si Melissa Ricks.

eksena sa pelikula: naging GF ni Gerald (Bogs) si Melissa (Anna) dahil sa tulong ng bestfriend ni Bogs na si Kim (May). though sa una pa lang eh mahal na mahal na ni May si Bogs eh nagpaka-martir sya para sa ikaliligaya ni Bogs. nang magbreak sina Anna at Bogs eh naging sila ni May (panakip-butas) naging masaya sila. hanggang sa muling bumalik si Anna. bet bumalik sa buhay ni Bogs. pano naman si May????

eksena sa iskwater: si May si Rico. si Bogs si Eds at akez ang eksenadorang si Anna (keri mo?) nung gabing yun eh binulungan ako ni Eds na sa lahat ng mga kaibigan niya. si Rico ang pinakamahalaga. at special friend pa ang tawag niya kay Rico (haba ng hair ng mapangang si Rico) me eksena pakong nagsabi ke Eds ng: "sana ako na lang bogs. bakit hindi na lang ako???" ang pa-sweet na wika ko. tawa lang ng tawa ang gwapo. dinededma ang beauty ko.

pero may maitim akong plano. by hook or by crook. mababaligtad ang mundo. isang beses nag-inarte si Rico kay Eds dahil hindi daw siya tinext nito. panahon na para lumabas ang ahas.

tinext ko si Eds. text text forever, magdamagan, maghapon. kakakilig din minsan. pero wit akes na-iinlab ha! were just friends. hindi ako kagaya ni Rico na palaging nag-a-aassume.

selosa si Rico. winarla si Eds sa text. napikon ata si Rico hindi na nagrerereply. ako naman ang katext niya. minsan, umiinom sina Eds sa tapat ng bahay nila na katabi ng bahay nina Bebang na tinutuluyan ni Rico. jumoin ako sa nomu. tatlo lang kami ni Ris at Eds. nasa labas kami ng bahay. may umeksenang babae. nilalandi si Eds. dedma ako since ang partner ko dapat ay si Ris. nang matapos ang ilang boteng MUCHO eh nagpaalam nako kina Eds at sa babae. pero ang sabi ko... "wala bang kiss man lang???" (landi ko no???) ayun at ngumiti si Eds. alam ko na kanina pa nakasilip sa bintana si Rico. binabantayan ang labidabs niyang si Eds. nilapit ni Eds ang fez niya sakin at lumapit din ako. hinawakan ko siya sa panga... ikikiss ko na sana siya sa pisngi nang maisip kong keri naman ata sa labi. SMOOOOOOOOOCH!

binonggahan ko ng kiss sa labi si Eds. ambango ng hininga. lalaking-lalaki. nagkatawanan pa kami. at tumingin ako sa bintana nina Bebang. ayun si Rico. nakatingin at biglang pumasok sa loob. dedma.

mula noon. mas naging close na kami ni Eds. wa na si Ricong nagmamaldita. bitter-bitteran pa ang bakla. ayaw na uminom pag kasama si Eds. yung tawagan kasi nila dati ni Eds na BHEST eh tawagan na namin ni Eds ngayon. wa malisya ha. were friends.

9 comments:

glentot said...

At sa haba ng kwentong ito eh binasa ko talaga nagulat pa ako umabot ako sa dulo. Ang masasabi ko lang eh, ang bad mo hahahaha. Naawa tuloy ako dun sa Eds malamang ipapakulam ka na nun hahaha jk

p0kw4ng said...

we're friends??? ano ka showbiz!! ahahahaha...aminin..may pagnanasa,hihihi

Prince Fau said...

@ GLENTOT - ipakukulam ako ni Eds o ni Rico? hehehe! friend ko kaya si Eds. si Rico friend ko din. ang yabang kasi kaya ipinakita kong mas makapangyarihan ang isang encantadang kagaya ko :-)

@ POKWANG - ui wala ah. hehehe! delicious kasi si Papa Eds pero promise wala akong balak bookingin siya. dati lang.

Mister Secrecy said...

wala bang facebook si eds??? jeje

Prince Fau said...

@ MISTER SECRECY - meron siyempre. :-)

Mister Secrecy said...

ano facebook nya... kaw din??? ano facebook mu??? i.a.add kita...

Prince Fau said...

@MISTER SECRECY - hala ka. malabo ata yan. e di nakilala na kami ng bonggang-bongga!

Rabbit said...

ikaw na ang pacquiao ng sangkabekihan. ahaha
bawal ka pa lang inisin ng syota mo... baka magkapermanent eyeshadow. ahahaha

Prince Fau said...

@RABBIT - ahaha! wa naman ako jowa neng. kaya keri na yan !